May malaking naiaambag para sa ating lipunan, ito'y para sa lahat kung saan ang mga nagboboluntaryo ay napauunlad ang kanilang mga angking talento. Malaki ang naititulong ng bolunterismo sa paaralan, napauunlad nito ang pagkatao ng isang indibidwal. Sa paaralan kung tutulungan mo ang iyong kapwa estudyante o guro ng walang hinihinging kapalit, ito'y tinatawag na bolunterismo, at higit sa lahat lalaki ang tiwala sa iyo ng naararami, ang bolunterismo sa paaralan ay mahalaga sapagkat makikita mo na sa murang edad pa lamang ng taong nagboboluntaryo na siyay lalaking isang taong matapat, makatao, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan.