Ang lahat ng reklamong kanilang natanggap ay agad nitong sinusolusyonan tulad ng paguusap ng dalawang panig at gumagawa ng tinatawag nilang “settlement” o kasunduan na may limitasyong 15 araw. Ukol naman sa basura, ito’y kanilang sinosolusyonan sa pamamagitan ng palagiang pangongolekta nito tuwing Biyernes upang makontrol ang pagdami nito. At higit sa lahat ay kung ‘di sila masaway sa kalat, dumi, at ingay ay agad itong bibigyang pansin at tatawagan upang bigyan ng babala. Sa loob ng mahigit kumulang na isang oras, lahat ng aming nakalap na problema ay aming nabigyang solusyon sa pamamagitan ng pagtulong sa paglilinis kasama ang sekretarya ng Burol I at mga kasapi ng aming pangkat. Layunin namin na makatulong at mabawasan ang mga kalat sa paligid at maging halimbawa sa nakararami upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng barangay.
Dahil sa mga proyektong ipinatupad, at pakikipagtulungan namin sa mga awtoridad ng Burol I, naging alerto at natutunan ng mamamayan ng Barangay Burol I ang kahalagahan ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan.
Ito’y patunay lamang na ang kahalagahan ng disiplina sa sarili ay may malaking epekto sa kaayusan at kaunlaran ng buong komunidad tulad nga ng sabi sa isang tanyag na kataga, “ Ang pagbabago na gusto mong makita sa iyong mundo ay nagsisimula sa iyong sarili “